ang labo..
ano ang napapatungo sa kinabukasan
sino ang mga taong sa tabi ko?
ano ang aking halaga sa buhay?
paano maiintindihan ang mga tanong sa buhay kung ako'y
mistulang nawawala sa kasagsagan
malabo ang aking ibig sabihin
ako lamang ang makakaintinidi
kahit ihip ng hangin at simoy ng unang buhos ng ulan sa himpapawid
ano ang dapat makamit?
parang halaman natuyot sa paglimot diligin
ang gulo! nagdadaanang sasakayan sa paligid
mistulang walang humpay ang daloy
ihahambing sa agos ng tubig at isang palito ng posporo
buhay ng tao ay madaling makitil
isang iglap lamang ang buong sangkatauhan
ay maglalahong parang lobo
kelan? saan? paano? bakit?
yan ang mga tanong mahirap sagutin
ano ang ating lugar sa mundo?
ano ang nakasaad sa palad ng isa't isa?
paano natin makakamit ang ligayang nag iintay?
kelan? saan? paano? at bakit?
1 Comments:
ako'y nalulunod sa lalim ng iniisip mo at ng mga salita...
Post a Comment
<< Home