si juan ay parang isang sarangollang naputulan ng tali
na patuloy na umeembang patungong lupa
naghahanap ng natitirang rangya sa himpapawid
na nagbibigay ligaya kahit sa isang saglit
ano ang dapat gawin ni juan?
siya ba'y dapat kumapit ang magdiwang sa natitirang
oras ng kanyang ginagalawan?
o magpa-agos agos sa ihip ng hangin?
yan ang tanong na bumabalot sa isipan ni juan
mga katanungang tila bumabagabag sa kanyang isipan
namumulot na tila kaunting saya sa alapaap
ngunit sa bigat ng damdamin ni juan
hinihila ng di nakikitang bagay pababa
pilit na nilalabanan subali't ang hirap
natatanaw na niya ang lupa
lupang kulay pula
nag-init ang buong paligid
tila napaso ang mga balat niya
nang linguning muli ang nasa kanyang paanan
siyay natakot at nabigla
di pala lupa ang kanyang natanaw
kundi dagat, dagat ng apoy!
kinabog ng malalakas na suntok ang kanyang dibdib
nagdasal at umaasang ito'y isang masamang panaginip
papalapit na ang lahat
matatapos na lahat, tanggap na ni juan ang katapusan
pumikit at naghihintay
nang biglang bumulusok si juan sa sanlibutan
ang tali pala ay kadugtong sa kamay ni gepeto
na naggintay lamang ng dalangin galing sa kanya
nabigyan ng bagong pagasa si juan
sa pangalawang pagkakataon muli sa mundo
mundong nakagisnan ni juan